Mga Hamon sa Pagtuturo sa mga Guro sa Panahon ng COVID-19 Pandemya: Isang Naratolohiya

Sa pamamagitan ng pamamaraan naratolohiya ay inalam ng pag-aaral na ito ang mga suliraning hamon sa pagtuturo online sa panahon ng COVID-19 pandemya . Ang mga respondents ay mga 12 guro sa kolehiyo mula sa Bataan Peninsula State University (BPSU) na pinili gamit ang convenience sampling. Parehas ang bilang ng lalaki at babaeng guro sa pag-aaral kung saan ang gulang ay nasa pagitan ng 28 -33 ang pinakabata at 51-55 taong gulang. Halos lahat ng gurong respondents ay may mahabang taon sa pagtuturo na nasa pagitan ng 16 hanggang 33 taong karanasan. Sa pagtuturo online ay malamang ang mga gurong may isang taon lang karanasan. Buhat sa mga datos na nakalap sa interbyu ay siyam

(9) na themes ang lumitang na tumugon sa mga katanungan inilahad ng pag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay naghayag na hindi sapat ang kahandaan ng mga guro sa biglaang shift mula sa tradisyonal na face-to-face to online learning/teaching modality kung kaya ang transisyon ay hindi naging madali lalu na doon sa walang sapat na karanasan at kasanayan sa pagtuturo online. Ang mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo online ay naka-apekto sa pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga estudyante. Ang mga guro ay nasa exploratory stage pa lang at di pa lubos na natutuklasan ang mga opportunities at benepisyo na makakatulong upang maingat ang kanilang kaalaman at kasanayan sa online platform. Ang paghahatid ng kaalaman sa paraan online ay isang kapamaraanan ng pagpapatuloy ng pag- aaral sa panahon na may emergencies at mga di inaatasang pangyayari. Ayon sa mga inuulat na resulta ng pag-aaral ay ipinapanukala ang patuloy na suporta, pagsasanay sa mga guro upang matutunan rin nilang yakapin ang mga hamon ng pagbabago sa edukasyon sa kolehiyo na kalakip ng pagtuturo onlin. Ipinapanukala rin ang kolaborasyon sa pagitan ng lahat na stakeholders sa pangunguna ng mga academicians at mga faculty members upang maisaayos ang mga syllabus na outcome-based teaching ang learning strategies tungo sa isang flexible learning na tutugon sa mga suliranin kaugnay ng pagkatuto ng mga estudyante. Sa suliranin tungkol sa connectivity ay kinakailangan ang sama-samang pagtutulungan ng mga educational institutions, pamahalaan at maging ng pribagong sektor upang makapagbuo ng mga infrastructure at upgrading ng mga nariyan ng mga technological infrastructure upang matugunan ang suliranin ng internet connections na siyang pangunahing transit at medium ng komunikasyon sa paguturo at pagkatuto online. Sa huli, ipinapanukala rin ang mga pag-aaral na mas malawak ang sakop na aalamin rin ang pananaw di lamang ng mga guro, kundi pati mga mag-aaral at ang kanilang mga magulang sa mga suliranin at opportunities sa paghahatid ng 2 kaalaman gamit ang online modality. Pinapalagay na ang mga output ng mga pag-aaral ay makakatulong upang makagawa ng informed decision upang maisaayos pa ang online learning and teaching sa bansa.

 

 

https://www.bpsu.edu.ph/index.php/component/jdownloads/send/688-2023/3193-12hamon-sa-pagtuturo-sa-mga-guro

1 Comment

Leave a reply

ezine articles
Logo